Wednesday, January 18, 2017

ORIGINAL WORKS

ANG PANAGINIP
Daveson Torculas

Tagpo 1 (Sa Kwarto)

Emmanuel: Ale, ale, nasaan ako? Ale, ale... Inay, inay! Bakit ang dilim? Tulong, tulong... Tulungan ninyo ako. Aaah...
Maria: Anak, anak! Gising. Anong nangyari saiyo? Parang takog na takot ka!
Emmanuel: Inay, masama po ang napanaginipan ko parang wala po akong makita. Parang totoo po talaga Inay.
Maria: Anak, huminahon ka. Panaginip lamang iyon, walang panaginip na totoo. Oh siya, uminom ka na lang ng tubig para mahimasmasan ka.
Emmanuel: Sige Inay. Salamat po!
Maria: Matulog ka na ulit. Maaga pa ang pasok mo bukas.
Emmanuel: Opo Inay.

Tagpo 2 (Sa Kusina)

Maria: Anak, gising ka na! Mahuhuli ka na sa iyong klase.
Emmanuel: Opo Inay. Bababa na po ako.
Maria: Bilisan mo na diyan. Nakahanda na ang pagkain.
( Emmanuel, bumaba patungong kusina)
Emmanuel: Magandang umaga po, Inay!
Maria: Magandang umaga din, anak! Sige na, kumain ka na diyan.
(Emmanuel, kumain ng agahan)
Emmanuel: Inay, alis na po ako. Paalam!
Maria: Paalam anak! Mag-ingat ka palagi. Mahal na mahal kita!
Emmanuel: (sumigaw) Mahal na mahal din kita Inay!

Tagpo 3 (Sa Silid-Aralan)

Emmanuel: Magandang umaga po, Ginang Valdez!
Gng. Valdez: Magandang umaga din saiyo, iho!
Emmanuel: Ma'am, mayroon po sana akong itatanong? Kung puwede lang po sana.
Gng. Valdez: Ano iyon iho?
Emmanuel: Totoo po ba ang panaginip?
Gng. Valdez: Iho, ang panaginip ay resulta lamang ng iyong pagkaantok o matinding pagod o puwede ring katha lamang ito ng iyong imahinasyon kapag ikaw ay natutulog.
Emmanuel: Ganoon po ba ma'am? Maraming salamat po.
Gng. Valdez: Sige iho, walang anuman!

Tagpo 4 (Sa Bulwagan)

Lito: Ano bang nangyari sa'yo parang wala ka sa sarili mo?
Emmanuel: Wala ito! Okay lang ako.
Lito: Bahala ka diyan. Sige, paalam! Punta muna ako sa canteen, nagugutom kasi ako.
Emmanuel: Ikaw ang bahala. Dito na lang ako, maghihintay kay Inay. Paalam!
*Pagkalipas ng isang oras
Emmanuel: Ang tagal naman ni Inay baka hindi niya na ako susunduin ngayon. Makaalis na nga.
Emmanuel: Manong, paalam! Alis na ako.
Mang Manuel: Ikaw lang mag-isa?
Emmanuel: Opo, wala po kasi si Inay.
Mang Manuel: Sige, mag-ingat ka sa daan.

Tagpo 5 (Sa Daan)

*Abala ang mga tao sa mga gawain sa kalsada. May nagtitinda sa bangketa at mga naghihintay ng masasakyan.

Emmanuel: Bakit hindi pa rin ako mapakali? Ano bang nangyari sa akin? Parang ang lahat ng ito ay nangyari na sa nakaraan. Naguguluhan na talaga ako sa mga pangyayari. Bahala na nga, ang mahalaga makakauwi na ako sa amin.

Tagpo 6 (Sa Paaralan)

Maria: Manong, wala na po bang tao sa loob?
Mang Manuel: Wala na po, Misis!
Maria: May nakita ba kayong bata dito kanina, mataba at tsaka pandak?
Mang Manuel: Oo, Misis pero umalis na siya. Matagal-tagal kasi siyang naghintay dito mga isang oras yata iyon. Ikaw ba iyong nanay niya?
Maria: Oo eh! Sige, alis na ako baka mahabol ko pa ang batang iyon.
(May kinuha sa bag at biglang nahulog ang larawan ng kanyang anak)
(Paalis na ang ina)
Manong Manuel: Misis, may nahulog parang saiyo iyan.
Maria: (Kinuha ang larawan at tiningnan; kinabahan) Salamat! Alis na ako.

Tagpo 7 (Sa Daan)

Emmanuel: (Kakanta) Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
                Sa pagkadalisay at pagkadakila
                Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
                Aling pag-ibig pa, wala na nga wala.
Emmanuel: Hay, salamat! Nasaulo ko na ang sinabi ni Ma'am. May maitatanghal na ako bukas para sa paligsahan. (Muling uulitin ang kanta)
         Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
         Sa pagkadalisay at pagkadakila
         Gaya ng pag-ibig...
*Habang kumakanta tumawid siya sa daan.
Emmanuel: Sa tinubuang....   
(May humaharuros na sasakyan at nasagasaan ang bata)
(Simulang nagkagulo ang mga tao)
Tao 1: Ang bata!
Tao 2: Tulungan natin siya. Tumawag kayo ng ambulansya para maagapan kaagad.
Tao 3: Nakakaawa ang bata. Sino kaya ang Ina nito?
(Nagkagulo nang nagkagulo ang mga nang dumating naman ang ina nito)
Maria: Ano kaya ang pinagkakaguluhan nila? Puntahan ko nga.
(Dumaan siya sa nakapalibot na mga tao at biglang humagulhol ng iyak)
Maria: Anak ko, anak ko! Anong nangyari saiyo? Sinong may gawa nito saiyo? Anak ko, gising ka naman ouh! Huwag ka namang ganyan. Tayo na ngang dalawa ang magkaramay, iiwan mo pa ako. Anak...
(Patuloy ang pag-iyak ng ina, nang dumating naman ang mga kinatawan ng medisina)
Nars 1: Misis, kami na po ang bahala sa anak niyo.
(Kinuha ang katawan ng bata papuntang ambulansya)

Tagpo 8 (Sa Hospital)

(Habang dinadala ang bata sa ICU)
Maria: (Hawak-hawak ang kamay ng anak) Anak, lumaban ka. Hindi puwedeng mawala ka sa buhay ko. Di ba, marami pa tayong mga pangarap. Anak...
Nars 1: Misis, kami na po ang bahala. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya. Hanggang dito ka na lang po.
Maria: (Sumigaw at Umiyak ng husto) Anak...
*Habang ang ina ay naghihintay sa labas, abala naman ang mga doktor sa operasyon ng bata.
(Lumabas ang doktor sa ICU)
(Dali-dali namang lumapit ang ina)
Maria: Dok, kumusta na po ang aking anak?
Dr. Santiago: Misis, magandang balita! Ligtas na po ang iyong anak pero kailangan pa po naming bantayan ang kanyang kondisyon.
Maria: Maraming salamat po Dok! Sana po gawin po ninyo ang lahat, mabuhay lang ang anak ko.
Dr. Santiago: Huwag kang mag-alala Misis. Ligtas ang anak niyo sa aming mga kamay.
Maria: Maraming salamat po talaga Dok!
Dr. Santiago: Sige Misis! Puntahan ko muna ang iyong anak at puwede ka na ring pumasok.

Tagpo 9 (Sa Silid ng Hospital)

Maria: (Habang hinahaplos ang kamay ng anak) Anak, alam mo maraming naghihintay saiyo dito, mga kaibigan, ang iyong mga guro, at ang iyong mga pinsan. Alam ko na anak! Pagkagising ng pagkagising mo maghahanda ako ng iyong paboritong pritong manok.
(Gumalaw ang hintuturo ng bata at unti-unting bumuka ang mata nito)
Maria: Anak, anak... (Masaya niyang tinawag ang Doktor) Dok, dok, gising na po ang anak ko.
Dr. Santiago: Misis, parang may mali.
Maria: Ano po iyon Dok?
Dr. Santiago: Parang wala siya sa kanyang sarili. Masyadong malikot.
Maria: Baka po Dok may kailangan siya. Puwede po bang kunin ang kanyang oxygen mask?
Dr. Santiago: Puwede naman dahil base sa kanyang statistika, okay na ang kanyang oxygen percentage.
(Kinuha ang oxygen mask)
Emmmanuel: Nasaan ako? Bakit ang dilim? Bakit wala akong makita? Inay, inay tulungan niyo ako. Inay...
Maria: Anak, huminahon ka! Nandito lang ako sa tabi mo. Dok, anong nangyari sa anak ko? Bakit wala siyang makita?
Dr. Santiago: (Naguguluhan) Misis, hindi ko po alam pero titingnan ko po ngayon ang kanyamg mga mata.
Maria: (Nagalit) Ano? Bakit wala kang alam? Sabi mo okay na at ligtas na ang anak ko, pero anonv nangyari?
Dr. Santiago: Misis, huminahon ka muna. Titingnan ko muna siya ngayon. Puwede po ba kayong lumabas muna?
Maria: Sige po, pero sana naman po ngayon Dok mayroon na po kayong eksaktong impormasyon ukol sa kalusugan ng anak ko at pasensiya na rin po sa inasal ko kanina.
Dr. Santiago: Naiintindihan ko po Misis ang iyong pinagdadaraanan. Sige po, Misis!
(Lumabas ang Ina at sinimulan ng doktor na tingnan ang lahat ng anggulo ng mata ng bata)
(Matapos ang masusing pag-eeksamin ng doktor lumabas ito mula sa silid ng bata)
Maria: Ano po ang resulta, Dok?
Dr. Santiago: Samahan mo ako sa aking opisina at doon tayo mag-usap.
(Sumama ang ina sa doktor)

Tagpo 10 (Sa Opisina ng Doktor)

Dr. Santiago: Misis, umupo muna kayo.
          Napag-alaman ko pong maysakit na dinadala ang iyong anak bago pa man nangyari ang aksidente. Ang mga nasabi mo noon na panaginip ng iyong anak ay bahagi lang iyon ng kanyang sakit na mas lalong lumala ng siya ay naaksidente.
Maria: Dok, diretsuhin niyo nga ako! Ano po ba talaga? Ano ang sinasabi mong sakit na napakasigla at napakatalino ng aking anak. Tapos ganoon na lamang ang mangyayari. Hindi po iyan kapani-kapaniwala, hindi iyan totoo.
Dr. Santiago: Pasensiya na po Misis, pero iyan ang katotohanan. May habambuhay na pagkabulag ang iyong anak. Iyan din ang resulta ng isa pang doktor na espesyalista sa mata.
Maria: Hindi iyan totoo, Dok! Hinding-hindi iyan mangyayari sa anak ko. (Umiyak)
Dr. Santiago: Huminahon po kayo Misis. Naiintindihan ko po kayo pero kailangan nating tanggapin ang mga pangyayari. Masakit man ito kailangan tuloy pa rin ang pag-ikot ng buhay natin. Misis, pasensiya na pero ginawa na po namin ang lahat sa abot ng aming makakaya.
Maria: Alam ko po, Dok. Masakit man pero kailangan kong matutunang tanggapin ang mga bagay-bagay.
Dr. Santiago: Pero misis, sa sinabi ko kaninang habambuhay na pagkabulag ay may pag-asa pang makakita kung...
Maria: (Napalitan ng lungkot ang kasiyahan) Ano po iyon Dok?
Dr. Santiago: May kakilala akong napakaeksperto sa operasyon at pag-eeksamin ng mata, si Dr. Benjamin Collins. Siya ay kilala sa USA na kung saan nagtratrabaho sa napakatanyag na hospital doon.
Maria: Magandang balita iyan, Dok! Pero wala po kasi kaming pera pang-opera sa anak ko. (Lumungkot)
Dr. Santiago: Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa inyo papunta ng USA at pauwi sa Pilipinas at para naman sa operasyon si Dr. Benjamin Collins ay may mga programang tumutulong sa mga batang may problema sa mata at kasali na dito ang operasyon.
Maria: Maraming salamat po talaga Dok. Malaki talaga ang utang na loob ko po saiyo.
Dr. Santiago: Walang anuman. Nakita ko kasi saiyo na napakahalaga ang iyong anak sa mundong iyong ginagalawan.
Maria: Napakahalaga talaga po ang anak ko dahil kami na lang dalawa ang magkaramay ngayon at hindi ko po kayang mawala siya sa akin. Maraming salamat po talaga Dok! Alis na po ako.

*Pagkalipas ng dalawang buwan.

Tagpo 11 (USA)

Maria: Anak, nandito na tayo. Malapit muna ulit masilayan ang ganda ng mundo. Huwag kang mag-alala matatagumpayan natin ang pagsubok na binigay ng Panginoon. Maging matatag at manalig lang tayo sa Kanya dahil alam nating hindi tayo pababayaan ng Diyos. (Napapaluha)
Emmanuel: Opo Inay, alam mo po masayang-masaya po ako dahil ikaw ang aking ina. Inang may lakas-loob na sanggain ang mga problema at may pagmamahal sa kahit kanino man. Palagi po akong nananalangin sa Panginoon na bigyan po tayo ng bagong pag-asa na masilayan muli ang mukha ng mundo. Mahal na mahal ko po kayo Inay! (Napapaluha)
(Dumating ang Doktor na si Dr. Benjamin Collins)
Dr. Collins: Good morning to both of you! Are you from the Philippines?
Maria: Good morning Doc! Yes, we are from the Philippines.
Dr. Collins: I am glad that you are here. I hear a lot from you from Dr. Santiago and it is so interesting that's why I want to help you.
Maria: Thank you so much, Doc! It means a lot from us.
Dr. Collins: You're welcome! So, let's start?
Maria: Sure, Doc!

*Pagkalipas ng ilang buwan

Tagpo 12 (Pilipinas)

Maria: Anak, buksan muna ang iyong mga mata. Nandito na tayo sa atin. May sorpresa ako saiyo.
(Binuksan ang mga mata ng bata)
Emmanuel: (Napaiyak) Inay, maraming salamat po talaga. Ngayong araw na ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
(Yumakap sa kanyang Ina)
Maria: Sige, punta muna ako sa kusina, dito ka lang at magmuni-muni ka anak.
Emmanuel: Opo Inay.
(Pumunta ang ina sa kusina)
(Pumunta naman sa labas si Emmanuel at lumanghap ng sariwang hangin at tumingin sa itaas)
Emmanuel: Panginoon, salamat sa bagong pag-asang Inyong inihandog sa akin. Pag-asang masilayan muli ang mundong puno ng pagmamahal at malasakit. Maraming salamat po sa pagkakataong maging anak ng aking ina. Hindi ko po ito sasayangin at habang buhay na pasasalamatan ang mga taong Iyong ibinigay upang ako'y tulungan. Maraming salamat po!
Maria: Anak, tayo na.
 WAKAS…
HABANG MAY BUHAY MAY PAG-ASA, HINDI TAYO PABABAYAAN NG DIYOS.

WALANG PAGSUBOK NA IBINIGAY NG PANGINOON NA HINDI MAKAKAYA NG SINUMAN…




KALIPAY
Sheila Mae Penaso

Kung ikaw makita, di masukod ang kalipay
imong ngisi mao akong ampay
imong tinan-awan nga makalanay
perting ulawa itutok sa imong dagway.

Ikaw ang kalipay ug inspirasyon
sa babaeng palangkayon
nindot na kaayu ka duolon
ug ang imong ngalan hibaw-on.

Magpabilin sa lang ko nga ing-ani
nga malipay na sa gagmay nimong ngisi
igo sa lang ko magpahipi
basta ikaw ra ako, mao nay hinumdumi.

Artpiece of
John David Bayron
"Philippine Literature as a Flower"


1 comment:

  1. Welcome bonus, welcome bonus, slot machines casino site
    Welcome casino site. Sign up at a casino site and 인카지노 start betting at your favourite games, from 카지노사이트 roulette 메리트 카지노 쿠폰 to baccarat to blackjack. Welcome Casino

    ReplyDelete